-- Advertisements --
Umaabot na sa 849,862 ang bilang ng mga nagparehistro online para sa Philippine Identification System (PhilSys) sa buong bansa.
Ito ay makaraang ma-restore ang database ng PhilSys, noong unang araw na ito ay inilunsad at nagkaroon ng technical trouble.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagsimula ang online registration para sa step 1 noong Abril 30, 2021.
Maliban sa online entries, may mga naka kumpleto na rin ng impormasyon sa personal interviews ng PSA.