Sumalasanta na ang Super Typhoon Saola na nagbabantang pinakamalakas na bagyo na tatama sa southern cities ng China sa loob ng ilang dekada.
Sampu-sampung milyong tao sa Hong Kong, Shenzhen at iba pang southern Chinese megacities ang nanatili ngayon sa kani-kanilang bahay.
Habang daan-daang flight ang kinansela sa buong rehiyon at naantala ang pagsisimula ng school year sa Hong Kong.
Sa posibleng direktang pagtama, itinaas ng mga awtoridad sa Hong Kong ang warning level, Biyernes ng gabi sa pinakamataas na level sa lungsod na “T10”
Ang T10 warning level ay nailabas lamang ng 16 na beses mula noong World War II bago ang Saola.
Ayon sa observatory, ang pinakamataas na antas ng tubig ay maaaring umabot sa isang historical record, nagbabala rin na magkakaroon ng malubhang pagbaha.