NAGA CITY- Kinumpirma mismo ng alkalde ng lungsod ng Naga na mayroon ng isang Person Under Investigation dahil sa pinaniniwalaang may sintomas ng Novel Coronavirus sa Naga City.

Sa naging pagharap ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa mga kagawad ng media, kinumpirma nitong mayroon ng suspected case ng nasabing sakit na kasalukayan nang naka-quarantine sa isang ospital sa lungsod.

Ayon kay Legacion, hindi naman isang Chinese National ang nasabing PUI subalit mayroon itong history of travel sa ibang bansa.

Aniya, nakunan na itong specimen na for submission na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang masuri.

Sa ngayon, panawagan naman ni Legacion sa publiko na huwag magpanic dahil ginagawa aniya nila ang lahat ng precautionary measures upang macontain at hindi na kumalat ang nasabing sakit sa lugar.

-- Advertisement --