-- Advertisements --
Ibinunyag ng actress na si Nadine Samonte na dinapuan siya ng COVID-19 kasama ang ilang miyembro ng pamilya nito.
Sa kaniyang Instagram account, ay nagpost ito ng negative result ng antigen test.
Sinabi nito na hindi nakaligtas ang 1-buwang anak nito na si Harmony.
Dagdag pa nito na nagpapasalamat na lamang siya dahil naging mild lamang ang sintomas ng kaniyang anak.
Bukod pa kay Harmony ay nagpositibo rin ang dalawa pa nitong anak na sina Heather at Titus.