-- Advertisements --

Tuloy-tuloy na ang pagbabalik sa paglalaro ni tennis star Rafael Nadal.

Ito ay matapos na talunin niya si dating US-Open champion Dominic Thiem sa unang round ng Brisbane International.

Nakuha ng 22-time Grand Slam champion ang score na 7-5, 6-1.

Tinawag ng 37-anyos na Spanish player ang panalo bilang emotional at mahalagang araw sa nasabing panalo.

Magugunitang hindi naglaro si Nadal mula ng matalo ito sa ikalawang round ng Australian Open noong nakaraang taon.