-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng hangagng walong linggo si tennis world number 2 Rafael Nadal dahil sa injury.

Natamo nito ang kaniyang hip flexor injury ng matalo siya sa ikalawang round ng Australian Open ni Mackenzie McDonald.

Ayon sa kampo ng 36-anyos na Spanish tennis player na sumailalim na ito sa MRI scan sa kaniyang kaliwang hita at nakita ang grade 2 injury sa Illiopsas.

Dahil dito ay pinayuhan siya ng kaniyang mga doktor na magpahinga at magpagaling bago sumabak sa paglalaro.