-- Advertisements --
Bibida ang mga malalaking pangalan sa tennis gaya nina Novak Djokovic at Rafael Nadal sa “Six Kings Slam” sa Saudi Arabia.
Kabilang sa mga napiling maglalaro ay sina Carlos Alcaraz, Jannik Sinner, Daniil Medvedev at Holger Rune.
Ayon sa organizer na General Entertainment Authority na ang nasabing exhibition games ay bahagi ng Saudi cultural and entertainment festival Riyadh Season.
Tanging si Dane Rune lamang ang manlalaro na walang nakuhang Grand Slam title.
Si Nadal na tinanghal bilang ambassador ng Saudi Arabian Tennis Federation ay nasasabik sa nasabing torneo.