Inihayag ng Board of Investments (BOI) na nakita nitong lumaki ang mga aprubadong investment commitment ng mahigit isang daang porsyento sa unang tatlong buwan ng 2023.
Ito ay naglalapit sa ahensya na maabot ang layunin nitong P1.5 trilyong investment pledges na naaprubahan para sa buong taon.
Sa isang pahayag, sinabi ng Board of Investments na nag-book ito ng P463.3 billion halaga ng kabuuang mga proyektong naaprubahan noong Enero hanggang Marso.
Ang mga proyekto ay mataas ng 155% mula sa P181.7-billion nvestment pledges na nakita sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabuuang naaprubahang pamumuhunan, P165.4 billion ay mula sa mga dayuhan.
Lumaki ng 3,722% ang inaprubahang foreign investments mula sa P4.33 billion lamang noong unang quarter ng 2022.
Ang mga pangako ng dayuhang pamumuhunan ay umabot sa naman halos 36% ng kabuuan.
Sinabi ni Trade Secretary at BOI chairman Alfredo Pascual na sa mga investment prospect na napakapositibo, at habang patuloy tayong tumatanggap ng seryosong interes mula sa mga pandaigdigang mamumuhunan, tiyak na nasa landas tayo upang maabot ang ating bagong taunang investment na target na P1.5 trillion.