-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Sinuspinde na ng pamahalaan ng Hong Kong ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas dahil sa corona virus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Marilou Carbinilla, tubong Sampaloc, Manila at 20 taon nang Overseas Filipino Worker sa Hong Kong, na upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ay idineklara ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam na sa February 17 na lamang ang pasukan ng mga mag-aaral sa lahat ng antas.
Nauna rito ay nakatakda sana ang pagbabalik ng klase ng mga mag-aaral sa Hong Kong sa February 3 matapos ang pagdiriwang ng Chinese New Year ngunit dahil sa outbreak ng nakakamatay na virus ay ipinagpaliban muli.