-- Advertisements --

Kinalampag ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Tourism (DOT) na maglatag ng contingency plans para makontra ang negatibong epekto ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (n-cov ARD).

Kaugnay nito, inatasan ni Cayetano ang House Committee on Tourism at Committee on Economic Affairs na agad makipagtulungan sa DOT sa pag-assess ng short at medium-term effects ng 2019 n-cov ARD pagdating sa tourism at travel industry.

Nais lamang aniyang matiyak ng Kamara na hindi maaapektuhan ang tourism growth ng Pilipinas sa mga susunod na buwan kaya dapat maging handa sakaling tumagal pa ang oubtreak na ito sa bansa.

“It should bot be a just a wait-and-see attitude because we don’t want our tourism industry to suffer,” ani Cayetano.

Kaya marapat lamang na gayahin ang ginawa ng Tourism Arts and Culture Ministry ng Malaysia na bumuo ng Tourism Recovery Committee na siyang titiyak sa kaligtasan ng mga turista na sasailalim sa health screening.

Base sa record ng DOT, natukoy na mula Enero hanggang Nobyembre 2019 ay aabot sa 1.63 million mula sa 7.4 million international tourist arrivals ay pawang mga Chinese national na itinuturing din bilang second biggest tourist spenders sa bansa. Sunod sila sa mga Korean na aabot sa $979.4 million o P51 billion noong nakaraang taon lamang.