-- Advertisements --
cruise lines 2

Dalawang US-based cruise lines ang hindi pinahihintulutang makasakay ng barko ang mga pasahero na mayroong Chinese, Hong Kong o Macau passports.

Sa inilabas na pahayag ng Norwegian Cruise Lines at Royal Carribean International, ipinatupad ng kumpanya ang bagong patakaran na ito sa lahat ng pasahero at crew members upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Alinsunod din sa bagong patakaran na ito ang pagbabawal na makasakay sa barko ang mga pasahero o crew members na bumisita ng Hong Kong o Macau sa nakalipas na 15-30 araw.

Sinigurado naman ng Norwegian Cruise Lines na bibigyan nila ng refund ang mga pasaherong hindi papayagan na sumaky ng barko.

“We take this very seriously and have a responsibility to maintain a safe and healthy environment on board our ships, as well as in the ports we visit,” pahayag ng Royal Carribean.