Binigyang diin ng Myanmar junta na hindi sila makikipag-usap sa mga coup dissidents.
Kabilang na rito ang mga miyembro ng gobyernong pinamunuan ng napatalsik na si Aung San Suu Kyi.
Una rito, lumabas ang mga balitang sinabi raw ng loyalist na kinakailangan ang dayalogo para mailigtas ang naturang bansa.
Kung maalala ang Southeast Asian nation ay nagkakagulo mula nang ilunsad ang kudeta noong buwan ng Pebrero na ikinamatay ng 1,100 na katao base sa local monitoring group.
Noong Biyernes naman, nanawagan ang spokesman for the military-aligned Union Solidarity and Development Party (USDP) kay junta leader Min Aung Hlaing na buksan ang dayalogo sa mga coup opponents para maresolba ang krisis.
Pero kahapon nang nagmatigas ang junta na hindi nila kayang tanggapin ang dayalogo at negosasyon sa mga terrorist armed groups kabilang na raw ang shadow government ng napatalsik na si Suu Kyi.
Kung maalala tinalo ng National League for Democracy party ni Suu Kyi ang USDP sa halalan noong nakaraang taon.
Pero ang resulta raw ng halalan ay dahil sa pandaraya ayon sa militar.