-- Advertisements --

Hindi umano alam ng isang fitness instructor sa Myanmar na kasagsagan pala ng kudeta noong isagawa niya ang nakagawian nang dance workout.

Kinilala ang nasabing guro ng physical education na si Khing Hnin Wai na ngayon ay viral o usap-usapan sa online world dahil sa kanyang aerobics video na kuha sa parehong kalsada kung saan nangyayari ang kudeta.

Bigay todo kasi ang Myanmar teacher sa upbeat song ng kanyang bagong aerobics entry na para sa fitness dance competition.

Lingid sa kanyang kaalaman na nasa likuran lang ang parliament building kung saan nakapalibot ang ilang itim na sasakyan na lulan ang mga armas.

“The background scene and the music kind of match. I was filming the clip for a competition before the morning’s news came out. What a memory!” saad nito.

Huli na aniya nang kanyang mapansin ang mga helicopter at military convoys pero nakangiti naman daw ang ibang military officials.

Gayunman, may mga bumabatikos na sinadya ng guro ang paggawa ng eksena upang sumikat.

Pero buwelta nito, “I wasn’t dancing to mock or ridicule any organisation or to be silly. I was dancing for a fitness dance competition,, As it isn’t uncommon for Nay Pyi Taw to have an official convoy, I thought it was normal so I continued.”

Nabatid na sumiklab ang kaguluhan sa Myanmar na naging dahilan upang ikulong ang ilang matataas na opisyal kabilang ang lider nilang si Aung San Suu Kyi. (BBC)