Kailangang magpaliwanag muli ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa isyu ng kakulangan ng supply sa tubig.

Sa isang pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na mayroon pa ring water shortage kahit na nakakaranas na ang Luzon ng mga pag-ulan.

Iginiit ni Suarez na kailangan magpaliwanag sa publiko at tugunan agad ng mga water concessionaires ang problema sa supply ng tubig.

Kamakailan lang ay pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 2592.

Ang resolusyon na ito ay humihikayat sa MWSS at iba pang kaukulang ahensya na ipatupad na agad ang mitigation ng problema sa water supply.