-- Advertisements --
image 297

Ipinababa pa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang alokasyon ng tubig mula Angat Dam.

Iginiit ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System Division Manager Patrcik Dizon na hiniling nila sa National Water Resources Board na ibaba sa 39 cubic meter per second mula sa 48 cubic meter per second ang alokasyon sa Angat dam.

Ito raw ay bahagi ng pagtitipid ng tubig sa Angat dam, at water managements protocol ng Ipo at Lamesa Dam, at paglilinaw nito, sinasamantala pa kase aniya nila ang mataas na lebel ng tubig sa Ipo at Lamesa Dam dulot ng mga pag-ulan.

Pagtiyak pa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, wala naman itong epekto sa customers ng Maynilad at Manila Water.

Dagdag pa nito, naniniwala aniya sila na magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam lalo na’t may binabantayan pang low pressure area.