Nagbabala ang Malacañang nitong araw sa posibilidad na makansela rin ang Mutual Defense Treaty (MDT) at Enhance Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang VFA ang nagsilbing “pampalakas” sa MDT at EDCA/
Dahil kinansela kamakailan ang VFA, “ibig sabihin hihina na yung dalawa” at maaring ring matuldukan sa hinaharap.
Taong 1951 nang lagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos ang MDT, kung saan napagkasunduan na magtutulungan sa oras na magkaroon nang armed attack sa Pacific Area.
Samantala, ang EDCA naman ay nabuo bilang suporta sa MDT kung saan pinapahintulutan ang tropa ng America na makapag-station sa Pilipinas.
Subalit ipinagbabawal sa EDCA ang pagtatag ng America ng permanent military bases sa Pilipinas.
Kamakailan lang ay kinansela ng Pilipinas ang VFA, na ayon kay Panelo ay nag-ugat sa paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging “self-reliant” ang Pilipinas.