-- Advertisements --

Nakatakdang maningil na si Elon Musk sa mga Twitter users nito.

Ayon sa bagong Twitter CEO, na ang mga users na nais na magkaroon ng blue tick sa kanilang pangalan ay dapat magbayad ng $8 kada buwan.

Sinabi nito na ito ay bahagi ng pagbabago matapos ang $44 bilyon na take over.

Mahalaga aniya ang nasabing hakbang para malabanan ang spam o scam.

Binatikos naman ng ilang kritiko nito kung saan mahirap na itong makilala ang reliable sources nito.