ILOILO CITY – Patay ang isang empleyado ng munisipyo sa Barotac Nuevo, Iloilo matapos barilin ng kasamahan nito sa loob ng mismong municipal hall ng bayan.
Kinilala ang biktima na si Raymart Alarte, 32. Ang itinuturong suspek naman ay si Noli Pestaño.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Maj. Ramil Sarona, hepe ng Barotac Nuevo Police, nasa gitna ng inuman ang sina Alarte at Pestaño kasama ang ibang empleyado habang nagbabantay sa relief packs sa munisipyo.
Nagkainitan daw ang dalawa at biglang pinaputukan ng suspek ng baril ang biktma.
Idineklarang dead on the spot si Alarte. Agad namang sumuko sa mga otoridad si Pestaño na nahaharap ngayon sa mga reklamong homicide, illegal possessio of firearms at paglabag sa liquor ban.
Lumabas din sa imbestigasyon na ginamit ng mga naginumang empleyado ang ambulansya ng munisipyo para bumili ng alak.










