Pinag-aaralan pa sa ngayon ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mungkahing pansamantalang suspendihin o bawasan ang toll rates sa South Luzon Express Way (SLEX).

Ayon kay Skyway O&M Corp president Manuel Bonoan, maraming aspeto sa naturang rekomendasyon ang kailangan na pag-usapan.

Kahapon, inihain sa Kamara ni Laguna Rep. Sol Aragones ang isang resolusyon na naglalayong suspendihin o babaan ang toll fees sa SLEX sa loob ng anim na buwan, sa pagsasabi na matinding inconvenience ang idinudulot ng traffic sa lugar bunsod ng construction ng Skyway extension.

Subalit maari aniya na hindi maaksyunan ang naturang mungkahi dahil didipende pa rin aniya ito sa magiging merito ng kanilang diskusyon.

Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Aragones na nasa 370,000 motorista ang dumadaan sa SLEX kada araw, 190,000 dito ang dumadaan sa Skyway.

Tinatayang sa Disyembre 2020 pa makokompleto ang konstruksyon ng Skyway extension.