-- Advertisements --
Umani ng batikos mula sa Republican Party ang naging pahayag ng pagtakbo muli sa 2024 election ni Democrats US President Joe Biden.
Ayon sa Republican National Committee , na tila hindi alam ni Biden ang kaniyang ginagawa dahil lilikha lamang ito ng matinding krisis sa US.
Ilan sa mga inihalimbawa nila ay tataas ang inflation, krimen, dadami ang bilang ng mga bata na mawawalan ng magulang at makakaranas ng matinding hirap ang mga pamilya sa US.
Magugunitang pormal ng naghayag ng pagtakbo muli sa pagkapangulo si Biden kasama niya muli si Vice President Kamala Harris.
Ilan sa mga maaring makakaharap nito sa pagkapangulo ay si dating Pangulong Donald Trump, anti-vaccine activist Robert Kennedy Jr at Florida Governor Ron DeSantis.