-- Advertisements --

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na pag-aaralan muna ng ahensya ang panawagan na ibalik ang number coding scheme at truck ban sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ito ay matapos ang naging hirit ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na ibalik ang coding at truck ban sa kalakhang Maynila upang mabawasan ang bilang ng mga sasakyan san kalsada dahil sa nalalapit na holiday season at dulot na rin ng pandemic.

Ayon kay Garcia, una nilang titingnan ang coding dahil hindi pa raw bumabalik sa normal ang kapasidad ng pampublikong transportasyon sa bansa. Pangalawa, kung sakali raw na magpatupad ng number coding ay dapat asahan ang napakaraming requests for exemption lalo na sa hanay ng mga medical frontliners at essential workers.

Kung maaalala, sinuspinde ng MMDS ang number coding scheme at truck ban upang tiyakin na hindi maaapektuhan ang paggalaw ng mga essential workers sa gitna ng pandemya.