-- Advertisements --

Itinuturong dahilan ni top infectiouse disease expert Dr. Anthony Fauci ang hindi tuluyang pagsasara ng ekonomiya ng Estaods Unidos kung btila malabo parin na manalo ang bansa sa kanilang laban kontra COVID-19.

Ayon kay Fauci, masyado raw kasing nagmadali ang gobyerno ng Amerika na muling ibalik sa normal ang kalagayan ng nasabing bansa kung kaya’t patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng deadly virus.

Simpleng bagay lang din aniya ang pagsunod sa physical distancing, pagsusuot ng face masks at pag-iwas sa social gatherings ngunit karamihan pa rin sa mga Amerikano ay hirap tumugon dito.

Hinikayat naman ni Fauci ang iba’t ibang estado na sumunod sa inilabas na guidelines ng White House coronavirus health experts hinggil sa pagluwag ng mga pinaiiral na restrictions.

Magugunita na karamihan ng estado sa US ay muling binuksan ang kanilang ekonomiya nang hindi tumalima sa criteria ng guidelines.

“Unfortunately, it did not work very well for us,” saad ni Fauci.