-- Advertisements --

Gaganapin na sa Setyembre 12 sa New York ang MTV Video Music Award.

Hudyat na ito ng panunumbalik ng mga live entertainment sa New York mula ng magsimula ang pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Hindi pa inanunsiyo ng organizer kung sino-sino ang mga magtatanghal sa nasabing MTV VMA na gaganapin sa Barclays Center sa Brooklyn.

Magugunitang noong nakaraang taon ay hindi itinuloy ang nasabing 2020 edition dahi lsa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.