Humihingi ng tulong ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kongresoi na bigyan din sila ng otoridad na ma-regulate ang online streaming services.
Ito ang inamin ni MTRCB budget sponsor sa House of Representatives na si Cavite 5th District Rep. Roy Loyola.
Una nang nagreklamo si ACT Teachers Party List Rep. France Castro sa pagkalat ng mga malalaswa o sexy films at mararahas na palabas sa mga online platforms.
Ayon kay Congresswoman Castro, nababahala umano siya na ang iba ay nasa borderline na ng pornography.
Paliwanag naman ng MTRCB, bagamat namomonitor daw nila ito, wala silang kapangyarihan sa ilang mga social media outfit na nagpapalabas ng mga pelikula.
Kaya naman humihingi raw ng kapangyarihan ang MTRCB na masakop din sa kanilang otoridad ang nasabing mga palabas.
Binigyang-diin pa ng MTRCB na nang itatag daw ang sila noong taong 1985 ay wala pang internet, at wala pa ring digital livsestreaming.
Sa ngayon ay aniya ay nagsasagawa na ng pagbalangkas ang MTRCB na hihiling na magkaroon ng amyeneda sa batas para maging bahagi ng kanilang sakop ang mga social media platforms.