-- Advertisements --

Isinailalim sa “enhanced access control” ang Metro Rail Transit (MRT) 3 Depot noong nakaraang linggo matapos na 42 personnel nito ang tinamaan ng COVID-19.

Tuloy pa rin namana ng operation ng MRT3 pero ang depot nito ay nag-operate sa ilalim ng work from home arrangement.

Ibig sabihin, limitado lamang ang bilang ng mga essential personnel na pumapasok, at ang mga ito ay pawang mga negatibo sa COVID-19.

Ayon sa Department of Transportation, sumailalim sa swab test ang mga empleyado ng MRT3 Depot noong nakaraang linggo matapos na maitala ang isang COVID-19 case mula sa kanilang staff.

Lumabas sa test ang 33 positive cases.

Umakyat pa ito sa 36 hanggang kahapon, Enero 27.

Anum na iba pang COVID-19 cases ang naitala naman sa Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries, ang maintenance service provider ng MRT3.

Lahat ng mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19 ay kasalukuyang naka-quarantine na habang nagpapatuloy naman ang contact tracing.