Balik na sa normal operation ang MRT-3 at LRT-2 ngayong araw matapos ang apat na araw na pahinga nito mula noong Abril 6.
Ang pansamantalang tigil operasyon ay upang bigyang daan ang maintenance activities tulad ng general cleaning ng mga bagon ng mga tren.
Kabilang na ang inspeksyon ng mga makina at iba pang kagamitan nito para sa maayos na takbo nito para sa mga pasahero.
Mabusisi ring nilinisan ang mga station facilities at iba pang equipment tulad ng mga riles, station’s roofing, escalators, elevators, at mga hagdan.
Una na rito, isinabay sa pagdiriwang ng Holy week ang maintenance activities dahil na rin sa kakaunti ang mga pasahero sa panahon ng long holiday na naging paraan upang mapabilis ang mga isinagawang pagkukumpuni sa mga istasyon.