LRT2
Photo Courtesy LRTA-2

Ngayong Father’s Day, magbibigay ng surprise gift ang pamunuan ng MRT-3 at LRT-2 sa mga piling ama na sasakay sa kanilang mga tren ngayong araw.

Sa LRT-2, alas-9:00 ng umaga kanina hanggang alas-12:00 ng tanghali mamimigay ng regalo ang mga kawani ng railway sa mga tatay na sasakay sa Recto Station, Cubao Station at Santolan Station.

Muling magbibigay ng regalo ang LRT-2 mula alas-3:00 ng hapong hanggang alas-6:00 sa mga tatay na sasakay sa Cubao Station.

Ayon kay Evelyn Janeo, head ng LRT Communications Office, ang sasakay na haligi ng tahanan ay kailangan may kasamang anak o pamilya para mabigyan ng kanilan surprise gift.

Sa panig naman ng MRT-3, mamamahagi din sila ng regalo sa mga mapipiling ama at mga senior na tatay sa ilang mga istasyon.

Batay sa pahayag ng MRT management, mula kaninang alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 mamayang hapon ay mamimigay sila ng regalo sa kanilang mga isatasyon sa North Avenue, Cubao, Ayala, Shaw at Taft Avenue.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here