Tiniyak ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na kanila pang pagbutihin ang kanilang serbisyo sa publiko lalo at maraming mga commuters ang sumasakay sa mga pampublikong transportasyon gaya ng MRT-3.
Iniulat ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) na umabot sa mahigit 45 million commuters ang kanilang sinilbihan nuong 2021 na may average daily ridership na 136,935.
Ayon sa MRT-3 nasa 4.1 million commuters ang kanilang sinilbihan nuong buwan ng January at February 2021, at bumaba ang ridership just nuong buwan ng Marso na nasa 3.9 million.
Bumaba din ang monthly ridership nuong buwan ng April na nasa 2.2 million habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.
Muling tumaas ang ridership nuong buwan ng Mayo na umabot sa 3.5 million ang commuters.
Patuloy ang pagtaas ng ridership sa buwan ng June, July na umabot sa 4.2 million matapos luwagan ang quarantine restrictions at nasa General Community quarantine ang NCR.
Muling bumaba nuong buwan ng Agosto matapos isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Para sa natitirang buwan ng 2021, patuloy ang pagtaas ng ridership matapos luwagan ang alert level.
Nuong buwan ng December, nakapagtala ang MRT-3 ng highest ridership na umabot sa 5.5 million.
Sinabi ni MRT-3 OIC-General Manager Asec. Eymard Eje, na ang malakas na MRT-3 ridership nuong 2021 ay patunay sa reliable ang rail line lalo na sa panahon ng pandemya.
Ayon naman kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, ang improved reliability ng MRT-3 ay dahil sa patuloy na rehabilitasyon sa mga tren kung saan tumaas ang bilang ng mga bagon na tumatakbo at ang pagbaba sa travel time mula sa 1 hour and 15 minutes ngayon ay nasa 50 minutes na lamang mula sa North Avenue Station hanggang sa Taft Avenue.