Nag-abiso na ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) hinggil sa suspensyon ng operasyon nito sa ilang weekend sa pagitan ng mga buwan ng Hulyo at Setyembre.
Ayon sa MRT-3, bunsod ito ng pagfa-fast track o pagmamadali sa rail replacement works na inaasahang matatapos bahagi ng Setyembre, sa parehong north at southbound.
Sakop ng suspensyon ang weekends ng July 4-5, August 8-9, 21-23; at September 12-13.
“Rail replacement works to be done during the weekend suspension include turnout works for both the southbound and northbound tracks at North Avenue and Taft Avenue stations. Turnouts are used to enable trains to switch from one track to another.”
Kapag natapos na raw ang pagpapalit sa mga riles ay inaasahang bibilis mula 4-kilometers per hour hanggang 60-kph ang usad ng tren sa Disyembre.
Ang headway naman o pagitan ng mga tren na bumibiyahe ay 3.5-minutes.
“The weekend suspension of operations will also enable Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries, the service provider for MRT-3’s comprehensive rehabilitation, to perform rail destressing, rerailing, turnouts replacement, resurfacing, rail profile grinding, ballasting and tamping, and other major works for MRT-3’s trains, electrical systems, and other subsystems.”
Magpapatupad daw ng bus augmentation program ang Department of Transportation sa mga nasabing petsa na sakop ng suspensyon para matiyak na may masasakyan ang mga commuter ng MRT-3.