-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng Mrs World Inc Organization na natanggap na nila ang resignation letter ni Mrs World Caroline Jurie matapos na masangkot sa iskandalo sa isang event sa bansang Sri Lanka.

mrs world 2

Una nang inaresto at nakalaya lamang si Jurie nang makapagpiyansa matapos ang gulo sa ginanap na Mrs Sri Lanka pagenat sa siyudad ng Colombo.

Una rito, sapilitang tinanggal ni Jurie ang korona ng nanalo dahil hindi raw ito kwalipikado bunsod na dating divorcee o hiwalay sa asawa ang winner na si Pushpika De Silva.

Nagreklamo naman sa pulisya si De Silva hanggang sa inaresto si Mrs. Jurie.

Sa ngayon ang papalit kay Jurie bilang Mrs World ay si Kate Schneider ng Ireland, na siya namang runner-up noong 2020 contest.