-- Advertisements --

Wala munang planong bilhin ng Metro Pacific Investment Corp ang stake ng Ayala Group sa LRT-1 hanggat hindi pa lumalabas ang resulta ng Halalan 2022.

Ipinahayag ni MPIC chairman at president Manny Pangilinan na ang kanilang conglomerate plans ay nakadepende sa kung sino ang mananalo sa pagkapresidente sa daraing na halalan.

Kinakailangan daw kasi muna nilang pag-aralan at maintindihan kung ano ang mga plano at gagawin ng susunod na mauupong pangulo lalo na’t mayroon pa aniya silang pending application hinggil sa ilang adjustments sa taripa nito.

Bukod dito ay isa rin aniya sa kanyang tinigtignan ngayon ay kung paano ita-trato ng susunod na presidente ang mga pribadong sektor.

Ngunit umaasa naman siya na tutulungan ng susunod na administrasyon ang mga pribadong sector tulad na lamang ng Public-Private Partnership.

Samantala, tiniyak naman ni Pangilinan na susundin nila ang mga polisiya pamahalaan basta’t makakakuha sila ng sapat na kita sa mga ito.