Vice Mayor Charlie R. Yuson III
Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie R. Yuson III (FB photo)

Hawak ngayon ng Manila Police District (MPD) ang mga suspek sa pananambang at pagpatay kay Batuan, Ticao Island Vice Mayor Charlie Yuson III.

Ang bise alkalde ay pinagbabaril sa Sampaloc, Maynila kaninang umaga.

Isang kulay silver-gray na Nissan van na may plakang ACM-8804 ang nauna na din napigil ng mga pulis kaninang bago magtanghalian sa bahagi ng Quirino Avenue, matapos maglunsad ng dragnet operation ang PNP matapos ang insidente.

Sugatan naman ang mga kasama ni Yuson na sina Wilfredo Pineda, 44 at Alberto Yuson Alforte , 23 na ginagamot na din sa nasabing ospital.

Sinasabing apat ang mga lalaking sakay ng nasabing van.

Batay naman sa pahayag ng isang saksi sa krimen, tatlo sa mga sakay ng van ay may hawak ng high powered firearm.

Una rito, nag-aalmusal si Yuson at dalawang kasamahan sa lugar nang biglang huminto sa tapat ng mga ito ang isang van at nagbabaan ang mga suspek at malapitang pinaputukan ang grupo ng be vice mayor.

Agad ding sumakay sa kanilang getaway vehicle ang mga suspek at mabilis tumakas.

Naisugod pa sa University of Santo Tomas (UST) hospital si Yuson, pero itoy namatay din.