-- Advertisements --

Nakalatag na ang seguridad na ipapaptupad ng Manila Police District (MPD) sa Manila North at South Cemetery.

Ayon kay Manila Police District Police Brigadier General Andre Dizon na may mga itinalaga na silang kapulisan sa dalawang sementeryo para magbantay sa mga maagang dadalaw para sa undas.

Mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 ay dadagdagan pa nila ang mga pulis na itatalaga sa nasabing lugar.

Nanawagan din ito na kanilang kukumpiskahin ang sinumang magdadala ng kontrabando at ilang mga ipinagbabawal na dalhin gaya ng mga malakas sound system, kutsilyo at matutulis na gamit, alak at ilang mga kahalintulad.

Magpapatupad naman ng no vendor policy ang Manila South Cemetery para maging maayos ang daluyan ng mga tao na dadalaw doon.