-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) sa naganap na paghahagis ng granada sa Manila Arena o kilalang sabungan sa New Panaderos St., Sta. Ana, Manila.

Ayon sa PNP na dalawang beses naganap ang panghahagis ng granada na naganap nitong Huwebes at Biyernes.

Ipinagpasalamat na lamang ng PNP na hindi sumabog ang nasabing dalawang granada dahil kung nangyari aniya iyon ay baka makakapinsala pa ito.

Sa inilabas na kuha ng CCTV footage ng PNP ay makikita ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang biglang naghagis ng granada sa main entrance at parking ng nasabing sabungan.

Agad naman na na-detonate ng mga kasapi ng MPD Explosive Ordinance Unit (EOD) ang nasabing granada.

Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng insidente.

Naglagay na rin ang MPD ng mga personnel nila sa lugar para agad na maaresto ang mga suspek.