-- Advertisements --
omicron variant

GENERAL SANTOS CITY – Todo-ingat ngayon ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa Mozambique na nasa southeast coast ng Africa dahil sa pangamba ng pagkalat ng bagong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant.

Ayon kay Bombo International Correspondent Roy Binluan, isang guro sa lugar na wala pang inilabas na statement ang pamahalaan ukol sa Omicron COVID-19 variant.

Aniya, “by land” ang Mozambique ay anim na oras mula sa South Africa kayat hindi imposibleng makaabot sa lugar ang naturang bagong variant ng COVID-19.

Nakapaligid rin sa Mozambique ang iba pang bansa gaya ng Botswana, Zimbabwe, Zambia, Namibia at iba pa na posibleng pinagmulan ng Omicron.

Pagsasalarawan pa ni Binluan na kahit fully vaccinated na ang mga Pinoy sa Mozambique ay takot pa rin na mahawaan ng Omicron na batay sa evaluation ng World Health Organization (WHO), nakita nila kung gaano kadelikado ang mutation ng virus at mas mataas ang transmissibility nito kaysa sa Delta Variant.

Pagtataya ni Binluan na mayroon umanong 300 mga Pinoy ang naninirahan sa capital city na Maputo.