-- Advertisements --
394372731 669364025303881 5174490166351680269 n 1

Binigyang diin ng PCG na ang MT Sea Horse, ang motor tanker na nasunog sa harap ng Batangas Port noong Linggo, ay may bitbit na 41 containers.

Bawat isa sa nasabing mga containers ay may 20 litrong ginamit na langis.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog na humantong sa pagkamatay ng dalawang tripulante.

Dagdag dito, isang survivor ang nasugatan at kasalukuyang nasa pagamutan.

Matatandaan na nagsimula ang sunog alas-9:07 ng umaga habang nasa Alpha Anchorage ng Batangas Port ang motor tanker.

Ayon sa PCG, tatlong tugboat sa lugar na kinilala bilang Motor Tug Great Lark, Motor Tug Sedar 7, at Motor Tug Sedar 8 ay agad na rumesponde at tumulong sa sunog.

Sa kasalukuyan ay inihahanda ang standby oil spill boom para sa posibleng pagtugon sa oil spill matapos makipag-ugnayan ang Marine Environmental Protection Group Batangas sa Petron Company.