-- Advertisements --
WHO

Iniulat ng World Health Organization o WHO na bumaba na ng 95% ang bilang ng mga namamatay dahil sa Covid-19 sa simula mag-umpisa ang 2023.

Ayon kay WHO Chief Tedros Ghebreyesus, nakaya ng maraming mga bansa na pigilan ang labis na pagkalat ng virus, na naging dahilan upang malimitahan ang mga critical cases sa maraming bansa.

Sa likod nito, nagbabala ang WHO na hindi pa rin mawawala ang COVID-19 kayat kailangan pa ring maging alerto at magbantay ang mga bansa.

Inihalimbawa ni Ghebreyesus ang nangyayari sa ilang mga bansa na na nakakapagtala ng mga bagong infections. Sa ulat ng WHO sa nakalipas na mga linggo ay may naitalang 14,000 na katao ang namatay mula sa iba’t ibang mga bansa.

Kabilang din sa mga pinapabantayan ng WHO Chief ang posibleng pagkalat n XBB.1.16 na una nang naitala sa iba’t-ibang panig ng mundo, kabilang na ang Pilipinas.

Posibleng sa likod aniya ng pagbaba ng mortality ng hanggang nobenta porsyento, ay muli itong tataas kung hindi mapigilan ang XBB.1.16 at iba pang mga posibleng lalabas na variant ng Covid 19.