Nanawagan si Deputy Speaker Ralph Recto sa pamahalaan na muling magpatayo ng mga dagdag school libraries.
Malaki ang maitulong nito upang mapagbuti muli ang reading comprehension ng Pilipinas na pang huli sa 79 na bansang isinailalim sa 2018 Programme for International Student Assessment ng Organization for Economic Cooperation and Development.
Ayon kay Recto, matagal nang “nakabakasyon” ang pagtatayo ng mga library mula sa national budget.
Katunayan noong 2006, #120-million ang inilaan sa national budget para sa pagpapatayo ng animnapung silid-aklatan at labindalawang learning resource centers.
Nagpatuloy aniya ito hanggang 2014 ngunit nawala na sa mga sumunod na taon.
Bunsod nito, pinapopondohan ni Recto sa 2023 ang mga library upang mahikayat ang mga kabataan na magbasa.
Maliban kasi aniya sa pagiging informed o maalam, naihahanda rin ng pagbabasa ang kanilang mga isipan para mas malalim na pagunawa sa siyensya, matematika, economics at iba pa.
Mahalaga din aniya na mayroong libreng WiFi sa mga itatayong silid-aklatan upang maka-access ang mga kabataas sa online reading materials.