Iniulat ng World Health Organization na nagpasya ang kanilang emergency committee na ang monkeypox ay dapat na patuloy na mauri bilang isang global health emergency.
Inihayag ng kagawaran na kasunod ito ng ginawa nilang pagpupulong noong Oktubre 20 tungkol sa virus na biglang nagsimulang kumalat sa buong mundo noong Mayo.
Unang idineklara ng ahensyang pangkalusugan ng UN ang tinatawag na Public Health Emergency ng International Concern – ang pinakamataas na antas ng alarma nito – noong Hulyo 23, at sinabi ng mga eksperto na habang may ilang pag-unlad na nagawa sa pagpigil sa sakit, masyadong maaga para ideklarang tapos na ang emerhensiya.
Ang pinuno ng WHO na si Tedros Adhanom Ghebreyesus ay sumang-ayon naman sa payo ng mga eksperto.
Dahil ang monkeypox ay biglang nagsimulang kumalat hindi lamang sa West African countries kung saan ito ay matagal nang naging endemic anim na buwan na ang nakalipas.
Umakyat na sa 36 katao ang namatay sa monkeypox sa mahigit 77,000 kaso sa 109 na bansa.
Ang outbreak sa labas ng West Africa ay pangunahing nakaapekto sa mga involved sa ” men who have sex with men”.