Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi sexually transmitted disease (STD) ang monkeypox.
Ginawa ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang naturang pahayag sa gitna ng misconception hinggil sa naturang sakit.
Saad ni Vergeire na kung titignan ang terminolohiya maaaring ma-transmit o maihawa ang naturang sakit sa pamamagitan ng sexual contact subalit maari ding maihawa sa pamamagitan ng ibang paraan gaya ng fomites.
Bagamat naiintindihan aniya na ang naturang agam-agam dahil sa kasalukuyan nasa 95% ng mga kaso ng monkeypox sa buong mundo ay naihahawa sa pamamagitan ng sexual contact kung saan nakikitaan ng lesions o sugat ang maseselang bahagi na ito ng katawan ng isang indibidwal.
Subalit paliwanag ni Vergeire na kahit sino ay maaaring makakuha ng sakit hindi lamang sa naturang sektor kung kaya’t binigyang diin ng opisyal na dapat pa rin lahat tayo ay mag-ingat upang hindi madapuan ng naturang monkeypox virus.