-- Advertisements --

PDLs

Isinama ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang pagtatatag ng electronic monitoring system na naglalaman ng impormasyon sa lahat ng persons deprived of liberty (PDLs) sa kanyang panukalang batas na naglalayong lumikha ng Department of Corrections and Jail Management (DCJM).

Sinabi ni Yamsuan ang naka-encrypt na monitoring system na ito ay magbibigay-daan sa DCJM na subaybayan hindi lamang ang kasaysayan at kinaroroonan ng mga PDL, kundi pati na rin ang kanilang pag-unlad sa paglahok sa mga programa sa rehabilitasyon, at higit sa lahat, ang kanilang oras sa pagkulong at mga proseso ng apela upang matukoy kung sila ay karapat-dapat para sa muling pagsasama sa lipunan.

“On top of creating the DCJM to integrate our fragmented correctional system, establishing this monitoring database is likewise vital in safeguarding the rights of PDLs,” pahayag ni Yamsuan.

Dagdag pa ng mambabatas sa pamamagitan ng komprehensibong monitoring system, madaling makita at ma tracked ang mga PDLs na nanatiling nakakulong subalit maaari naman na silang palayain, malaking tulong din ito sa pag decongest sa mga crowded na penal facilities.

Inihain ni Yamsuan ang House Bill (HB) 8672 na naglalayong bumuo ng Department of Corrections and Jail Management (DCJM).

Paliwanag pa ni Yamsuan, ang National PDL Monitoring System sa ilalim ng Section 18 ng HB 8672 na kaniyang isinusulong ay magsisilbing central electronic network system na kumukunetka sa ibat ibang mga korte, sa DCJM, at iba pang mga relevant government agencies na may impormasyon sa PDLs.

Nais din ni Yamsuan na mabatid ang katotohanan sa likod ng napa-ulat na mass grave sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).