-- Advertisements --

Muling nagkaroon ng reunion ang Kpop group na Momoland.

Kasabay ng kanilang pagsama-sama ay inilabas nila ang bagong kantang “Rodeo”.

Ito ang unang kanta ng anim na miyembro ng grupo matapos ang tatlong taon.

Huling naglabas ang grupo ng kanta ay noong Enero 2022 na “Yummy Yummy Love” kasama ang Dominican singer-songwriter na si Natti Nattasha.

Matapos ang paghihiwalay nila sa kanilang agency na MLD Entertainment noong 2023 ay doon na rin sila nabuwag.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “Bboom Bboom” at maraming iba pa.