Inanunsiyo ng Moderna Inc. na isasagawa nila sa Hulyo 27 ang phase 3 ng clinical trials ng kanilang COVID-19 vaccine.

Gaganapin ang nasabing trials sa 87 study locations sa US.

Ang experimental vaccine aniya ay gagawin sa 30 states at Washington D.C.

Habang ang karamihan ay gagawin sa matinding tinamaan ng virus gaya sa Texas, California, Florida, Georgia, Arizona at sa North and South Carolina.