-- Advertisements --
Isang modern jeep ang nasunog sa Commonwealth Avenue, Barangay Greater Lagro, Quezon City noong Biyernes, Marso 15.
Ayon kay Brgy. North Fairview Kagawad JV Frech Marigondon, ligtas naman ang mga pasahero at driver ng jeep dahil agad naman umano itong nakalabas.
Dagdag pa nito, posibleng electrical wiring daw ang pinagmulan ng sunog.
Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection kung saan inabot ng mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang apoy. Dahil dito, bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar.