-- Advertisements --

Kasabay ng paggunita sa Araw ng Kagitingan, sinaluduhan ng Office of the Civil Defense (OCD) ang mga tinaguriang “modern day heroes” na lumalaban sa coronavirus disease (COVID-19).

“In our observance of the Araw ng Kagitingan, the Office of Civil Defense commemorates the heroism of Filipino World War II veterans and praises the sacrifices of modern day heroes,” ani OCD administrator Usec. Ricardo Jalad sa isang mensahe.

Pinuri ni Jalad ang lahat ng frontliners at mga pasyenteng piniling manatili sa kanilang tahanan dahil sa banta ng pagkalat ng sakit.

“Such as the frontliners who tirelessly perform their duties to keep every Filipino safe, patients who voluntarily divulge their COVID-19 status to aid in contact tracing, and you for staying at home,” dagdag ng opisyal.

Hinimok ng opisyal ang publiko na tanawin ang sakripisyo ng mga beterano ng World War II para sila rin ang maging bayani sa kanilang sariling paraan.