Umatras ang sexy star blogger at MTRCB Board Member Mocha Uson na maging guest speaker sa senior leaders conference ng Philippine Army ngayong araw sa Fort Bonifacio, Taguig.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Benjamin Hao na nakatanggap sila ng sulat mula kay Uson at sinasabing hindi na siya dadalo bilang isa sa mga guest speaker ng nasabing conference.

Sinabi ni Hao na inirerespeto ng Army ang naging desisyon ni Mocha Uson.

Sa blog ni Uson, binabanggit na nagdesisyon siyang huwag nang dumalo sa okasyon para hindi na ma-bash o mabatikos ang army maging ang mga sundalong kanyang mga kritiko.

Una nang kinuwestyun ng ilang mga netizen at media group ang Philippine Army sa dahilan ng pag imbita kay Mocha Uson bilang guest speaker ng isa sa mga event ng army kasabay ng ika-120 anibersaryo nito.