-- Advertisements --
image 630

Sinimulan na ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang buong pagpapatupad ng exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Ang ganap na pagpapatupad ay matapos ang matagumpay na ilang linggong dry run nito sa nasabing daan.

Nilalayon ng motorcycle lane na limitahan ang mga aksidente sa kahabaan ng pangunahing highway na Commonwealth Avenue.

Dagdag dito, ang itinalagang Motorcycle lane ay matatagpuan sa ikatlong lane mula sa mga bangketa upang maisaayos din ang daloy ng trapiko ng mga sasakyan.

Tinitingnan din ng Metro Manila Development Authority na maglagay ng mga reflector at solar street lamp para mailawan ang lugar na makatutulong sa pag-iwas sa mga aksidente.

Una na rito, hinimok ng ahensya ang mga motorista na sundin ang mga patakaran sa trapiko para masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng lahat ng mga gumagamit ng naturang kalsada.