Pinuri ng COmmission on Audit ang Metropolitan Manila Development Authority dahil sa maayos na liquidatin nito sa mga financial statements.
Ito na ang ikaapat na magkakasunod na taon na nagawa ng MMDA ang magandang record.
Sinabi ni Supervising Auditor Reynaldo Darang, na ang MMDA ang isa sa mga ahensiya sa buong bansa na may pinakamaayos na Audit Report nitong nakalipas na taon.
Ito rin ang dahilan kung bakit muling ginawaran ng COA ang MMDA ng unqualified opinion, tanda ng magandang resulta ng isinagawang audit report.
Nagpasalamat naman si MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, sa bawat kawani ng MMDA, sa maayos na pagsasagawa ng Audit Report sa lahat ng proyektong nasa ilalim ng ahensiya.
Ayon kay Artes, nagpapakita ito na transparent ang MMDA sa kanilang maayos na allocation at paggastos sa pondo ng ahensiya.