Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi lahat ng nahuhuli sa kanilang patakaran na No Contact Apprehension Policy (NCAP) ay kanilang pinapadalhan ng notice of violation.
Sa isang pulong balitaan, iginiit ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes hindi otomatikong nabibigyan ng tiket ang mga paglabag na kanilang nakikita sa kanilang mga CCTV monitors.
Aniya, sumasailalim pa ito sa mga reviews at validations para matiyak na magiging tama ang violation na kanilang ilalagay sa mga notice of violation na kanila namang ipapdala sa mga validated violators.
Batay sa kanilang datos, sa higit na 8,586 na mga naitalang paglabag ay halos 4,100 lamang ang kumpirmadong padadalhan ng mga notice at validated violators.
Samantala kasunod nito ay binigyang diin din ni Artes na layon ng patakarang ito na magbigay ng disiplina sa mga motorista at sundin ang mga umiiral na batas trapiko sa mga lansangan.
Hinidi aniya ito isang polisiya na siya lamang ipinatupad para mangabuso at magmulta nang magmulta sa mga motorista.
Sa kasalukuyan naman ay nakikipagugnayan na ang MMDA sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para naman sa stickers na hinihiling ng mga TNVS drivers para sa madaling identipikasyon ng kanilang mga sasakyan.