-- Advertisements --
image 385

Nagsasagawa ng regular inspection ang MMDA Anti-Smoke Belching Unit laban sa mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok sa mga kalsada.

Ayon sa ahensya, sa kabuuang 324 na mga sasakyan na sumailalim sa roadside smoke emission test sa buwan ng Setyembre, 117 lamang ang pumasa sa kanilang pmantayan.

Habang sa nasabing kabuuang bilang, 207 naman ang bumagsak na kailangang ipaayos ang makina ng kanilang sasakyan.

Ayon sa mga pag-aaral, ang kadalasang pinanggagalingan ng air pollution ay mula sa mga sasakyan lalo na sa Metro Manila.

Ang roadside smoke emission test na ginagawa upang masukat ang dami o kapal ng usok na nagmumula sa tambutso ng isang sasakyan sa pamamagitan ng opacimeter.

Una na rito, ang operasyon ng MMDA ay bilang pagtugon sa Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999 kung saan ipinagbabawal na ibiyahe ang mga sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok.